Si Manu N. Ulat o Manu ay isang journalism student sa isang unibersidad ng maynila (ang trade mark niya ay yung petron star) tawagin na nga lang nating“Petron star”. Unang taon pa lamang niya ay palagi na lang syang problemado at stress sa mga paper works hindi basta bastang paper works (hindi naman sya umaangal nag kkwento lang) eto yung mga article, research, at walang katapusang article. Marami ng pinagdaan si Manu katulad na lang ng pagpunta sa isang sikat na publikasyon ng dyaryo na KKU (Kanya Kanyang Uwi)ang patakaran sa pag-uwi. Sa lugar na hindi nya alam at muka syang bagong salta ay nanga-ngamba kung paano sya makakauwi buti na lamang ay may mabait syang kamag-aral (salamat!). Naranasan nya ding makarating sa isang sikat na stasyon kung saan nanood sila ng nakakatuwang palatuntunan na sinuwerte naman ang isa nyang kamag-aral na manalo ng pera itago natin sya sa alyas na Sherlly Cole o SC. Mabait sya bakit? Kasi nang libre sya.
Mabalik tayo sa mga napadag daanang gusot sa kanyang buhay estudyante. Natatandaan nya pa ang librong umubos ng kanyang baon sa isang lingo akalain mo naman daw ba 350.00pHp ang isa samantalang hindi naman daw nila ito nagamit sa kadahilanang ang tanging topic daw nila ay walang kwenta si rizal at mga pangungusap na binubuo ng “mura” (literal). Pagdating nya ng 2nd year oha! Isa sa mga napakalaking stress sa kanya ay ang tulungan si math na isolve ang kanyang problema. Ang subject na ang tawag ay “PROBLEM NI MATH”. Tinuturo daw ito ng propesorang Ms. Number. Kasi daw everytime daw na may recitation sila parang bingo ang sistema (dahil daw bawat studyante ay may kaakibat na numero halimbawa no. 60 ka tas tinawag ang numerong yan BOOM! KABLAAG! BINGO! Patay ka isolve mo problem ni math).
Ang P.E naman nyang “WAPAK” yung bubuhatin mo yung partner mo (buti na lang magaan ang kanyang partner na si Jusnell Dela Cruz). Ang kagandahan naman daw ay maaari kang mag-excuse kung meron ka (girlalu term! char). At kung b-day mo naman ambagan kayo ng 5.00pHp magbibigay sya ng 100.00pHp saya diba!. Buti na lang daw hindi sila tinuruan ng pag balibag sa sarili mong katawan kung hindi s***! Mag pa DROP na lang ako. Nag kwento din sya tungkol sa isa pa nilang p.e na “OUTING” (aba parang nakakaloko ito ah kng ano-anu name ng subject). Osya sya yung outing ay p.e na kung saan naka fitted uniform kayo ng itim with black cap (hindi Men in Black ha!) . Bilang mag-aaral sa “Petron star” aminado syang walang huthutan ng pera kung saan maari nyang bilhin ang mga pangangailangan nya sa paaralan. Kaya ayon UTANG HERE! UTANG THERE!.
3rd year na sya ngayon at sanay na sanay sa init ng apat na sulok ng lumang silid aralan. Ang major major requirements daw nila ay research paper, interview, at article (nanaman?!). Dito na rin nya naramdaman ang pagbagsak ng kanyang budget kasama ng kanyang pagod na utak. Dahil daw sa isang propesorang mahilig mag-tanong ng “WHATIS THE CAPITAL OF ZIMBABWE?” (char! Joke lang ito na..) “WHAT IS THE MORAL LESSON?” at ang pamatay na tanong na “BAKIT NO PLACE FOR A GLORIA” (example title! Wag seryosohin) ang title? (BASAG!) . Mga tanong na nagi-interogate “SINONG PUMATAY KAY GLORIA?”, “SAAN NANGYARI ANG PAG-PATAY” mga tipong gusto mong sagutin ng “MAM HINDI AKO ANG PUMATAY! WALA AKO SA PANG-YAYARI NG NAGANAP ANG KRIMEN BINASA KO LANG ANG SCRIPT KO!” Nakanaman! O pwes topic ulit! May prof ba kayong british wanna be? Punta na kayo sa ZEE OH ZEE hanapin nyo si Prof. Mazinger Vidz. Ang pina-required nya mag research ng tungkol sa Printable Paper (well ganyan nya sinabi eh! Pero ang totoo “Pentagon Paper”). Mahilig din itong magkwento tungkol sa engineering student na matalino as in duper sa talino (ayoko ng ikwento na kakasawa na eh! At nakakarindi pa! slang kasi si prof eh!).
At hindi nya makalimutan ang propesor (dati daw artista?! wii d nga! Lokohin mo sarili mo sir!) na nag required na pumunta sa malaking star (hindi naman matuloy tuloy) at isuot ang berdeng glow in the dark polo shirt na may nakasulat na JOUR <break> NALISM (hindi yan “typo. error” sadyang ganyan may <break> meaning may break, dahil na-enter ata nung ipinrint). Isa ito sa mga naranasang ondoy ni Manu pero porsigido syang makapag tapos ng pag-aaral at wala daw makakapigil sa kanya except ang pag sasapribado ng kanyang pinapasukang unibersidad. Ay teka may pahabol sya, naka-chat nyo na ba daw ang prof. na hate being ignored? Hmf naranasan nayan ng aking kamag-aral, itago natin sya sa alyas na “Aray Cawawa” o “AC”. O paano bayan! Dito nagtatapos ang kabanata ni Manu pwera na lang kung pasado ang makikita nyang grade kay “SISter” sya ang hindi mo gugustuhing maging sister… sapagkat, datapwat, napa KILL JOY nya kapag wala pa daw ang grades mo sa time ng pag-cocompute nya aba! Auto drop ka!
…To be continue? Bahala na! Kung pasado may ikalawang kabanata pero kung wala edi wala gagawa pa rin ako ng NOTES dito sa FB.
*bato bato sa langit tamaan wag magalit!
No comments:
Post a Comment